LORIE LOVE Kumain muna kami sa labas bago namin hinatid si nanay sa bahay. Naging maayos naman ang lahat. Hahayaan ko na lang si nanay ang kumausap kay tatay at sa kuya tungkol sa sinabi ng doktor. Ako naman ay kailangan ng sumama kay ninong pabalik sa condo niya. Habang nasa daan kami ay tahimik pa rin ang ninong ko kaya naman hinawakan ko ang kamay niya. “Ninong, galit ka po ba sa akin?” tanong ko sa kanya pero hindi siya nagsalita. “Bakit ka ba nagagalit sa akin? Ano ang ginawa kong ikinagalit mo?” “Ayaw mo bang sumagot?” “Tatalon ako dito,” sabi ko sa kanya. “Ayaw mo akong kausapin? Tatalon talaga ako at maglalakad na lang pauwi–” “Bakit pinupuri mo ang ibang lalaki?” “Ha?” “Ewan ko sa ‘yo, alam ko naman na narinig mo,” sabi niya pero nakasimangot siya kaya tumawa ako. “Ah,

