LORIE LOVE “Ayaw ko pang matige, Lord.” sambit ko hanggang sa nagulat ako sumunod na nangyari dahil bigla na namang gumalaw ang elevator kaya akala ko bigla na lang akong matutumba pero may mainit na bisig ang sumalo sa akin. Ngayon ay hawak na ako ng ninong ko. “Ninong, ano po ang nangyayari?” tanong ko sa kanya. “Hindi ko alam, pareho tayong nandito kaya ako pa talaga ang tinatanong mo ngayon.” masungit na sabi niya sa akin. “May nangyayari na hindi maganda sa atin pero masungit ka pa rin sa akin. Kaya hindi mo talaga ako masisi kung bakit ako bastos sa ‘yo eh,” sabi ko rin sa kanya. “Alin ba ang mali sa sagot ko? Sinabi ko lang naman na hindi ko alam,” sabi niya sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin. Hinayaan ko na lang siya pero nakakapit pa rin ako sa kanya dahil nga ayaw ko n

