LORIE LOVE “I–” “Hindi ba ako puwedeng magpaliwanag sa ’yo? Hindi ko ba puwedeng sabihin sa ‘yo ang dahilan ko?” tanong ko sa kanya. “Ano pa ang saysay ng paliwanag mo? Iniwan mo ako diba, kaya bakit ka pa magpapaliwanag sa akin.” “Alam ko, alam ko na kasalanan ko. Alam ko na umalis ako ng walang paalam. Pero hindi mo na ba talaga ako mahal? Wala na ba talagang pag-asa na magkaayos tayong dalawa? May mahal ka na ba talagang iba?” tanong ko sa kanya. “I–” “‘Wag mo ng sagutin pa. Kung ito ang gusto mo ay sige, pipirmahan ko na. Baka kasi nagmamadali ka ng magpakasal sa iba. Kung sabagay, matanda ka na kaya kailangan mo na talagang maghabol. Ako naman ay okay lang, bata pa ako kaya kahit na hindi pa ako ulit mag-asawa ay okay lang. Alam ko naman na hindi naman talaga tayo bagay at sigu

