LORIE LOVE Kung hindi ko siguro ‘yon ginawa ay baka hindi ako nakatapos ng pag-aaral ko. Sa totoo lang masasabi ko naman na tama ang ginawa ko kahit ang kapalit ay iniwan ko siya. Pero ngayon na bumalik na ako ay hindi ko na siya iiwan pa. ‘Wag lang niya akong ipagpalit sa iba ay makakaasa siya na siya lang rin ang pipiliin ko. Pumikit na ako dahil bumibigat na naman ang talukap ng mga mata ko. Nagising ako na ako na lang dito sa kama niya. Gabi na rin pero wala ng ulan. Masakit pa rin ang katawan ko pero pinilit ko na tumayo. At nang makatayo na ako ay napapangiwi ako dahil ang sakit pa rin talaga ng nasa pagitan ng mga hita ko. Pero kailangan ko kasing pumunta sa banyo. Kaya naman kahit pa ika-ika ang lakad ko ay talagang sinikap ko na makarating sa banyo at nagtagumpay naman ako. Na

