CHAPTER 10

1296 Words

LORIE LOVE Maaga pa akong gumising dahil dadaan ako sa university na papasukan ko. Ipapasa ko kasi ang lahat ng kailangan ko. Sobrang namangha ako sa ganda nitong school na ito. Ang alam ko ay majority ng mga nag-aaral dito ay mayaman. At kung may naiiba man ay iyon ang mga scholar. After kong ipasa ang mga kailangan ko ay nag-ikot-ikot na muna ako dito. Kahit pala ganitong wala pa ang official na pasukan ay may mga students pa rin dito. Sa tingin ko nga ay mga varsity player sila. Ang lawak ng school ground dito at sobrang laki talaga ng school. Nang bigla kong naalala na kailangan ko pala na dumaan sa penthouse ni ninong ay nagmamadali na akong naglalakad. Hanggang sa hindi inaasahan na may nabangga ako. “I’m sorry,” narinig ko na sabi sa akin ng nakabanggaan ko. “I’m sorry rin po.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD