LORIE LOVE Ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko. Ang handaan na ito ay baka mamaya pang gabi. Dahil sa ang dami naman nitong niluluto nila. Kami nga itong ang daming shanghai ang binabalot. Puwede naman kasi na simple lang pero parang fiesta na itong ginagawa namin ngayon. Magkano kaya ang ginastos niya dito? Jusko na lalaking ito kaya nahihiya ako dahil baka may sabihin ang iba sa pamilya ko. Kasi naman katulong niya ako pero ang bongga ng handa. Tanghali na ngayon at busy pa rin ang lahat. “Anak, kami na dito. Magpahinga ka na muna sa loob para naman mamaya ay may energy ka,” sabi sa akin ni nanay. “Nay, okay lang po ako. Marami pa po ang gagawin kaya tulungan ko na kayo para naman po matapos na po tayo, alam ko na gutom na po ang lahat,” sabi ko sa kanya. “Ang bait talaga ng an

