Thirteen

1831 Words
Phoemela "Ibaba mo nga ako!" Utos ko kay Marcus dahil kinarga niya ako mula sa kuwarto papunta sa sasakyan niyang naka-park sa garahe ng kanyang apartment. Ngayon ko lang napansin na bongga pala ang sasakyan ng lalaking ito. Naka BMW Z4? Nag-wonder tuloy ako kung ano ba ang trabaho ni Marcus at mayroon siyang ganitong klase ng kotse. Nakatitig pa rin ako sa sasakyan niya nang ibinaba niya ako sa harap ng pintuan ng kanyang kotse, at binuksan ito para sa akin. It was the first time that a guy did that for me- ever! I felt touched. I know it was just a simple gesture of being a gentle man, but my heart felt something. And I felt afraid of that feeling. I didn't know how to react. I felt awkward, and felt my cheeks burn. At bilang defense mechanism ay napaka-cross arms ako sa kanya. Ayoko ng ginagawa ni Marcus, because whatever chivalry he was doing was a clear sign for me that I may stumble into the pitfall of folly again! Ano ba ang pinagka-iba niya kay Jeremy at sa ibang mga lalaki na sinubukan akong paglaruan at abusuhin? Nagkataon lang na... mas gentle siya? Mas kind? Mas sweet? Mas caring? Mas nakakaloko? I'm sure he's also a heartbreaker. I'm pretty sure na kahit mukha siyang anghel sa kaguwapuhan, there's evil lurking inside him. He opened the door for me, and guided me in. "Dahan dahan, baka maumpog ka." Napabuntong hininga ako. "Marcus," pakiusap ko, habang siya naman ay abala i-lock ang seatbelt ko. Napatingin siya sa akin, saka ako muling nagsalita. "Hindi ako baldado!" "I know hard boiled egg." Sabi niya at itinuloy ang pag-ayos sa seatbelt ko. "Tigilan mo na nga itong ginagawa mo." Naiinis kong sabi. He suddenly cupped my face. His touch was gentle, but it seemed to me that he was about to kiss me. "Kapag hindi ka tumigil sa kakapalag, my hard boiled egg, I'm going to..." "What?" palaban kong sagot. Alam ko na kung ano sasabihin niya. Panigurado tatakutin niya ako na hahalikan niya ako, o pupuwersahin na makipag-s*x sa kanya. May bago pa ba sa mga threats ng mga umaarteng chivalrous na mga lalake ngayon? Pare-pareho lang naman ang mga hirit ng lalake sa mga nababasa kong pocket book. "I'm going to drug you, force you to marry me, lock you in our home sweet home in Brazil, tie you to our bed all your life, and make so many babies with you that we can make an army that would kick the ass of your ex-boyfriend who you seem to can't let go of despite the mean, nasty, humiliating things he did to you!" May kirot sa huling sinabi ni Marcus. Masakit marinig sa iba ang totoo. Speechless. I fell speechless. Naintindihan ko yung sinabi niya pero hindi ko pa ma-discern kung compliment yun o threat. Bumuntong hininga siya at isinara ang pinto ko. Nakita ko siya na ini-lock ang pintuan ng apartment saka pumunta sa driver's seat at nag-seatbelt din. Tapos tahimik na pinaandar ang sasakyan. Habang papalabas kami ng garahe ng kanyang apartment ay humarap na lang ako sa bintana. Hindi ko alam ang sasabihin ko o ire-reak sa sinabi ni Marcus. It seemed that my mind and heart became numb after everything that happened to me. I feel stupid... numb... scared... catatonic. I felt him hold my hand kaya napatingin ako sa kanya. I saw sadness in his eyes, but I didn't know what to do or how to react as I saw him with those puppy eyes. He slipped his fingers to mine and raised the back of my hand to his soft lips. He caressed my hand with his lips before he spoke. "I know you still love him even if he broke your heart. I understand that...." he said almost in a whisper. My tears welled up in my eyes. He saw through me, and it made me cry. Nagulat ako sa kanya. How was he able to see my unspoken feelings na ako mismo ay itinatago at dinedeny iyon sa sarili ko? He even translated my hidden and unspoken feelings into words and let the universe hear about it. Pakiramdam ko, ganap na ganap na ang kahinaan ko. Mas lalo kong naramdaman ang brokenness ko... Umiling ako habang umiiyak. "Hindi totoo yan!" Sagot ko sa kanya kahit hindi consistent ang sinasabi ko sa reaksyon ng buong katawan ko. Nanginginig ako sa tahimik na pag-iyak. He came close to me and hugged me. "Pinkie, mahal mo siya dahil ibinigay mo ang isang part ng sarili mo sa kanya, pero hindi niya iyon ni-reciprocate. He did not love you back, and it hurts. It hurts f*****g bad. I know it because I also feel that way...but know this, Pinkie... matutunan mo din na kalimutan siya. Matutunan mo rin na lumakad papalayo sa kanya, na taas noo, may ngiti sa labi, at wala ng pakialam kung minahal ka ba niya o hindi. Dahil para sa'yo, it was enough that you loved him. That was all that mattered. You showed him love, and you will move on with your life. You will exit his life gracefully. At kapag nagkita kayo muli, he would only remember the regret of letting you slip through his fingers." I replayed what he said over and over in my head, trying to convince myself that he was right. It actually made me feel better, and somewhat helped me move forward, even for just this moment. But I eventually regressed. I guess I'm going crazy inside. I feel bitter. I can't move on. Min Jee and Jeremy made my life hell, and I want them to live in hell, too. Marcus brushed his lips and kissed my forehead as I kept silent, trying to manage the quiver of my body and the churning of my stomach. "Breathe, sweetheart." His voice was gentle and calming. Somehow, my body responded to him, which surprised me. But it also made me panic inside. How can someone comfort me and make me respond to him this way? Suddenly, there was chaos in my head again. Ayokong alamin o malaman kung bakit. All I want to do is run from him. I wanted to run from his because he scared me out of my crazy wit. Pakiramdam ko kasi na sa pagtrato niya sa akin ng ganito kabait at kasweet, mas masasaktan ako at baka magpakamatay na lang ako pag iniwan niya ako. Ayoko ng masaktan. Ayoko ng umulit pa. Sobrang tanga ko na nun. Bakit pa kasi may love? Bakit pa kailangan ma-in love? Bakit kailangan masaktan ng pagkasakit sakit? Bakit kailangan ko pang ma-meet si Jeremy? Bakit ba hindi na lang ako ang minahal ni Jeremy? Bakit ba ang bait, sweet, at sincere ni Marcus? Bakit niya kailangan maging ganito sa akin? Bakit ba niya ako pinapanerbyos ng ganito sa tuwing gumagawa siya ng kabutihan sa akin o di kaya ay nagpaparamdam ng kaswitan sa akin? Bakit sa tuwing magpapakita siya ng romantic intentions niya para sa akin ay parang tumitigil ang puso ko at parang mahihimatay ako? Natatakot ako sa nararamdaman ko. Natatakot ako sa kanya. At dahil sa panic ko, nahihirapan ako lalong huminga. Pakiramdam ko, nachochoke ako. I had to get out of his car, kaya I quickly got out of his car and ran fast- the fastest that I've ran in my life. At para hindi niya ako masundan, pumunta ako sa mga eskinita sa lugar na iyon. Kailangan ko makalayo sa kanya. Kailangan kong makawala sa kanya dahil ginugulo niya ang isip ko. Buo na ang resolve ko. Gaganti ako sa mga taong nakapanakit sa'ken kaya huwag na niya akong guluhin. *** LAST WEEK OF APRIL MALIBU, USA Ilang buwan na ang nakakalipas simula ng takasan ko si Marcus. Hindi na kami muling nagkita. Pero may isang beses na palihim akong pumunta sa apartment niya. Nalaman ko sa landlady na umalis na raw si Marcus sa apartment at pumunta daw sa US. Sa totoo lang, I felt a sudden void when I learned he left, and it confused me more. Puwede ka palang matakot sa isang taong nagpapakita ng romantic intentions sayo, pero namimiss mo naman siya kapag hindi mo na siya nakikita. May panghihinayang akong naramdaman at pinilit kong alamin sa sarili ko kung bakit. And, I realized na I was afraid to fall in love so fast with him dahil ganun din ang naging pattern ko ng pagka-in love with Jeremy. I fell in love so quickly that I never really gotten to know if Jeremy and I were compatible, or if Jeremy's intention towards me was genuine. And, apart from being just a coward to take the plunge again, and get hurt kung mamalasin na naman ako sa pag-ibig, I realized I wanted him to prove to me that it's all worth to trust again... I wanted to be sure he was genuine. I wanted to know if he would persevere, or he just wanted to use me like what Jeremy did. I wanted to know if he would easily give up on me. But, I guess, dahil hindi niya ako sinubukan hanapin, hindi talaga siya seryoso sa akin. Pero natanong ko din ang sarili ko. Bakit naman kasi niya ako eeffortan, diba? I have a s*x video scandal where all my body parts were exposed to the public, at nabuntisan ako. Alam ko hindi ako ang tipo na puwede niyang iharap sa parents niya or sa mga kapatid niya dahil sa history ko. Nakakahiya. Nahihiya ako, at kung puwede na nga lang magpalamon sa lupa ay gagawin ko na. Kaya nga lang yung mga kaibigan ko ayaw akong tantanan. They would make sure na hindi ako magmumukmok sa bahay mag-isa. They encouraged me... actually, no... they forced me to go out of my room, and do normal things again. Nakatulong naman iyon sa akin, I must admit. Pero kahit nagpapaka-abala ako sa ibang bagay, sumasagi pa rin si Marcus sa isip ko. Nakaramdam ako ng regret na wala na siya sa buhay ko, and it hurts. Pero naisip ko na lang na mas mabuti na lang na wala siya sa buhay ko kesa naman sumakay na naman ako sa 'love wagon' na yan, at masaktan ko pa si Marcus o masaktan niya ako. "Pinkie! Tulala ka na naman diyan." Jackie poked at me. She's one of my best friends, and we're here in the US for our other best friend's wedding next week. "Mag-sight seeing na lang tayo ng mga kaguwapuhang boys sa beach. Dali!" Sabi pa niya sa akin habang nasa patio kami ng bahay ng mapapangasawa ng best friend namin na si Shayla. "Guys, I think Shayla, Ardy, and Percival are in trouble." Tarantang sabi naman ng isa pang best friend namin na si Tanya. Mabilis itong tumakbo sa may beach at kami naman ay nagsisunuran. As we approached the beach, I saw a familiar face which sent my heart pounding. It was Marcus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD