Phoemela Hindi ganito ang idea ko ng honeymoon! I felt uncomfortable and awkward knowing that Jeremy and Min Jee are here. Contest pa naman itong sinalihan namin ni Marcus. It means magkalaban kami, hindi ba? At dahil sa magkalaban kami, magpapatalo ba ako? Kahit magsama pa silang dalawa at mag-isa lamang ako ay hindi pa din ako magpapatalo! Ngunit naisip ko si Marcus na ngayon ay nakaakbay sa akin habang nakikinig sa facilitator. Kahit papaano ay bigla akong na-guilty dahil hindi na nga pala ako nag-iisa katulad ng dati. May Marcus na ako na kasama ko sa contest na ito... sa laban na ito. I sighed. We should have just stayed in our new house kesa narito kami, at pinapanood ko ang dalawang nemesis ko. Napailing ako. Nakakaisip tuloy ako ng mga plots kung paano ko sila bibigyan ng perwi

