Phoemela Galit na galit ako! Kung may palakol nga lang akong nahagilap ay sinira ko na ang pintuan ng bathroom kanina! I was just teasing him, although kung pumatol siya, eh di much better! Pero kumaripas ba naman ng takbo at nag-lock pa ng pinto? Nakakainsulto na talaga yang damuhong yan! At dahil sa galit ko, uminom ako ng wine sa bar ng kuwarto. Actually, nilagok ko yung wine mula sa bote, at binato ko yung wine glass sa pintuan ng bathroom. Tapos kinuha ko na ang mga damit ko at nagbihis, saka kinuha ang susi ko key holder banda sa pintuan. Mabilis akong bumaba sa parking. Sumakay ako sa kotse ko at pinaharurot ito. At habang pinapaharurot ko ang sasakyan ko ay hindi ko namalayan nakarating na pala ako kaagad sa Makati Shangrila. I gave my car key to the valet, then entered the hotel

