NAPANGANGA ang mga magulang at nagkatinginan. Naisip ni Blaze kung dapat bang sabihin niya na nagbibiro lang siya ngunit hindi. Gusto niya talagang maranasan magmahal kagaya ng iba. Freedom to love dahil kung arranged ang marriage niya at hindi niya magustuhan ang taong nakatakda para sa kanya, wala na siyang pag-asang maranasan at maramdaman kung paano kiligin at magmahal. What she wanted was simple but something that she knew could be impossible. "Freedom to love? Do you want to meet your fiance now?" Nakakunot ang noong tanong ng ama ni Blaze. Pauwi na sila noon galing sa UP kung saan ginanap ang graduation niya. May driver naman sila kaya't naharap siya ng ama na nakasakay sa gitnang upuan ng SUV na sinasakyan ng pamilya. Sa pinakalikod na upuan nakasakay si Blaze, katabi ang isang p

