PAGDATING ni Ezra sa may b****a ng Rancho Servano ay naramdaman niyang pinagpapawisan siya kahit malamig ang hangin na buga ng airconditioning unit ng kanyang auto. Bumilis din ang pagbayo ng puso sa dibdib niya. He stepped on the brakes and leaned his forehead on the steering wheel. Nang iangat ang ulo ay huminga siya ng malalim at sinubukang pakalmahin ang sarili. Nagbuga ng hangin si Ezra at saka tumingala para tingnan ang sarili sa rearview mirror ng sasakyan. Tinitigan niya ang mga mata niya at saka nagsalita. "Wala naman dapat ikatakot, Ezra. Haharap ka lang sa mga magulang ng babaeng mahal mo!" "Pero paano pag tinanong ka kung anong balak mo? She's engaged to be married to another man technically tapos ilang buwan na ba kayong magkakilala?" tanong naman niya bilang pambabara s

