Chapter 23 "Look! Parang ikaw." Komento ni Jeydon at ngumisi. Ipinakita sakin ang isang plushie teddy penguin, medyo malaki din ito. "Bakit naman?" Tumaas ang isang kilay ko. Ano na naman ba trip ng isang to? "Nguso mo laging lumalaki." Tinignan nito ang penguin. "Maliit din ang legs at kamay." Segunda nito kaya binigyan ko siya nang matalim na tingin. Ibinalik na niya ito uli sa standee at tumakbo sa kabilang shelf at kinuha ang isang mask. Ngumiti ako at kinuha sa kamay niya at ako na nagsuot sa mukha niya. Lumakas ang tawa ko dahil bagay sakaniya ang mask. Para siyang may mustache. Pagkatapos naming mag shopping sa isang Korean shop ay sunod naman ang kinahihiigan namin pareho. Arcade! Habang naglalaro ito nang isang fighting game ay nakaupo lang ako sa gilid. Tinignan ko siya at

