KABANATA III

1046 Words
UNA KANG NAGING AKIN | CHAPTER THREE _____ BLANCO RESIDENCE, TARLAC "SO. SAAN KA NGAYON? MAY PUPUNTAHAN KA BA?" tanong ko kay Tristan. Pinagsasaluhan namin ang almusal na hinanda ni Manang Margie para sa amin. Nilagyan ko siya ng kanin sa pinggan niya. Pansin ko ang kanina pang pananahimik nito sa hindi ko malamang dahilan kung bakit. Wala naman akong natatandaan mula pa nagdaang gabi. Ni hindi niya na nga inungkat sa akin ang tungkol sa preparasyon ko para sa first birthday ni Lauren dalawang linggo mula ngayon. "Oo nga pala, Babe. May balita ka ba kay Angelie?" Bigla itong nagtaas tingin at binaling sa akin. "B-bakit?" tanong nito na agad binalik sa pinggan nito ang tingin. "Naisip ko lang na baka pwedi natin siyang imbitahan sa birthday ni Laurice, besides may malaking bahagi siya sa buhay ng anak natin hindi ba. Kung gusto niya lang, kung may balita ka lang—" Mabilis ang ginawang pag-iling ni Tristan sa akin. "Wala na. Hindi ko alam kung nasa Pampanga pa ba siya—" sagot nito sa akin. "Malapit lang naman ang Pampanga. Bakit 'di na lang natin sadyain? Para sa personal na imbitasyon, Mahal. What do you think?" "Bakit bigla mo naisip si Angelie? Hindi ba, napag-usapan na natin na pagkatapos ng naging bahagi niya sa buhay natin ay puputulin na natin ang lahat ng ugnayan sa kaniya?" aniya sa akin ni Tristan. Wala naman akong ibang gustong mangyari kun 'di ang maging bahagi si Angelie sa birthday ni Laurice. Alam ko naman ang ginawang pag-aalaga nito sa bata nang nasa sinapupunan niya pa ito. Tumikhim ako para iparamdam kay Tristan ang pagkadismaya ko, akala ko pa naman magkikita ulit kami at para sa akin wala naman masama; magkaibigan naman silang dalawa mula nang makilala namin ang isa't isa. Kapwang taga-Pampanga si Angelie at Tristan taal na magkababata, magka-kaklase pa nga at sabay na grumadweyt mula elementarya hanggang sa magka-kolehiyo. "Mangangamusta na lang ako r'on. Itatanong ko kung nandoon ba si Angelie," dugtong nito. Napangiti ako sa narinig ko mula kay Tristan. Halos isang taon na rin mula nang mawalan ako ng balita kay Angelie, mula nang isilang niya si Laurice. "Miss ko na siya, ang bait ng kaibigan mong iyon eh. May asawa na kaya siya? Sariling pamilya?" tanong ko sa kaniya. Sa pagkakilala ko kay Angelie, sa kaunting panahon mukhang mailap ito sa lalaki. Wala rin itong kahit na ano'ng social media na pwedi kung pagtanungan dito. "H-hindi ko alam, Lauren. Wala akong alam, wala akong balita," walang emosyon niyang sagot sa akin. Hindi na ako nagpumilit pa. Ngumiti na lang ako sa kaniya nang magtaas siya ng tingin sa akin. "Kain, Babe." "You too, kain ka na rin." Lihim kong pinagmasdan si Tristan, gustong-gusto kong itanong sa kaniya ang tungkol sa batang nakita ko sa cellphone nito; ang nagpapagulo pa din sa isip ko hanggang sa mga oras na ito. Kaya ko siguro hinahanap si Angelie, baka sakaling makatulong siya bilang isang tulad kong babae. Kung ako na lang kaya ang maghanap sa kaniya, kung ako na lang ang kaya ang pumunta ng Pampanga; may driver naman sa bahay ng mga magulang ko pwedi kong hiramin ano mang oras kong gusto. ______ BLANCO RESIDENCE, PAMPANGA "ANGELIE.. ANGELIE.." NAPALINGON ako sa boses mula sa likuran ko. Maingay sa palengke na ito pero hindi ako pweding magkamali na pangalan ko ang narinig ko. "Sinasabi ko na nga ba eh. Kamusta ka na?" tanong sa akin ng lalaking lumapit sa gawi ko. Nakilala ko naman ito; si Marco ang kaklase ko n'ong highschool, isa itong class president kaya hindi ko makalimutan. "Kailan ka pa bumalik ng Pampanga? Kamusta naman ang Manila, ang tagal mo rin d'on ha. Anim na taon halos," anito. Ngumiti ako rito, nag-aalangan kong kinakailangan ko bang makipag-usap sa kaniya. "N'ong kailan lang, emergency din ang pag-uwi namin dito. Noong namatay lang ang lola ko," sagot ko sa kaniya. "Maganda iyan, makakadalo ka sa reunion natin sa susunod na linggo." Reunion? ani sa utak ko. "Si Tristan.. Baka naman may balita ka sa ex mong iyon. Padaluhin mo naman, mas masaya kapag mas marami tayo, 'Gel." Sinasabi na nga ba niya. Mula n'on hindi na ako nagulat kung hanggang ngayon karugtong ng pangalan ko ang pangalan ni Tristan. Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa aming dalawa? Mula elementarya kami na halos ang magkapareha sa pagiging muse and escort sa klase; ganoon na rin ang madalas ding magkapareha sa mga pageant na sinasalihan naming pareho. Ang sabi pa nga ng ibang magkakakilala sa amin, halos magkamukha na kaming dalawa. "W-wala a-akong b-balita kay Tristan. M-matagal na," pagsisinungaling ko rito. "Wala rin kasi siyang social media eh. Parang ikaw din, matagal ko nang hinahanap para naman sana kahit sa socmed magkabalitaan din tayo tulad ng ibang kaklase natin," pangungulit pa nito. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Hiling ko ngayon na sana hindi ako makita ni Wendy at ng anak kong inutusan ko munang bumili ng kakanin habang ako'y namimili ng gulay. Ayaw kong may makaalam ng kahit na sino sa anak ko. "Sige, Marco, mauna na ako. Hapon na kasi at magluluto pa ako." "Sino ba kasama mo sa bahay niyo? Baka pweding dumalaw minsan d'on kasama ang iba pang kaklase natin, like the old days, Angelie," aniya. Paano ko ba tatanggihan ito? Na hindi mahahalatang umiiwas ako sa sitwasyon. "Sige na.." ani pa ni Marco. "I-cha-chat na lang kita. Hanapin na lang kita sa fanbook ha." "Hihintayin ko, mag-iingat ka, Angelie. Nice seeing you here again." Ngumiti ako sa kaniya sabay na tumango-tango. Nagmadali na akong tumalikod dito, ayaw kong mas humaba pa ang usapan dahil imposible din naman na dumalo ako sa sinasabi nito; malabong-malabo. "Naynay.. Naynay.." Sinalubong niya ng maluwag na ngiti ang anak niya nang patakbo itong lumapit sa kaniya, mabuti na lang at nakalayo na siya kay Marco. "Naynay, bumalik si Ninong Tristan.." Napatda ako nang marinig ang sinabi nito —Bumalik si Ninong Tristan— lumingon ako sa tinitingnan ni Angel at iyon na lamang ang pagkagulat ko dahil sa likuran ko'y nandoon si Tristan, may ngiti sa labing na kay Angel ang tingin. 'Binalikan kami ni Tristan..' masayang sigaw ng isip ko, habang hindi magawang alisin ang tingin sa lalaking nagpasaya ng araw ng anak namin. ____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD