"Aray ko!" sigaw ni Icy habang pasalampak na naupo sa may bench. Napalakas yata ang hila ni Stan sa kanya. "Ano bang problema mo huh?!” pabulyaw niyang tanong sa binata.
Inabot ng lalaki ang kamay niyo sa kanya. “Bakit ba kasi para kang sinisilihan kapag nandito ako?" tanong naman ni Stan.
"I can manage!” aniya, sabay tayo. “Ayaw ko lang kasi na maging isang biktima ng pagkabolero mo kaya pwede ba? LAYUAN MO AKO!" bulalas ni Icy at binalewala ang pagtulong ng lalaki.
"Ah, yun ang hindi mangyayari," proud na wika niya.
"Anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong ni Icy.
"Magkaklase tayo remember? At nasa iisang campus tayo kaya 'di pwede 'yun," paliwanag naman ng binata.
"Hmmmmp!" tanging nasagot ni Icy sa kanya, at padabog na iniwan siya. “Ang kapal talaga ng mukha! Ang taas ng tingin niya sa sarili!” Sa isip nito.
Ngiting-ngiti naman siya nang makalayo ang dalaga. Hawak-hawak ang kanyang dibdib na dumadagundong habang kausap niya ito. Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas para kausapin ng ganun si Icy. Malaki kasi ang paghanga nito sa dalaga kahit tinataray tarayan pa siya nito. Bumuga siya ng hangin bago tumayo.
Habang nasa klase sila para sa kanilang last subject ay panay ang sulyap ni Stan sa dalaga. Ilang upuan lang kasi ang pagitan nila dahil magkalapit ang apilyido nila. Minsan nahuhuli ni Icy na tumitingin siya dito ngunit irap lang ang sinasagot niya.
Nang matapos ang kanilang klase ay mabilis na nilapitan ni Stan ito.
"Uuwi ka na ba, Miss Beautiful?" tanong niya dito.
"Oo. Bakit, Mr. Kapal?" balik tanong niya na may halong inis.
"Aray naman! Ang ganda ng adjective ko sa'yo tapos ang pangit nung sakin?" biro pa niya.
"May adjective ka pang nalalaman. Umalis ka nga sa harap ko!" Iwas niya rito.
"Pwedeng ihatid na kita?" Salubong naman niya. Makulit na kung makulit pero kailangan niyang maka-first base.
"May sasakyan kami, hindi lang ikaw ang meron,” bulalas niya. Para silang nagpapatintero sa dalawa dahil sinasalig siya nito.
"Hindi ko naman sinabing wala kayo eh, Ano ihahatid na kita?"
"No thanks! Pwede ba.!"
Sa wakas ay nakawala ito sa panghaharang ni Stan.
"Sige na, ihatid na kita," Pahabol na kulit pa niya.
Hindi na siya sinagot ni Icy bagkus ay dire-diretso itong pumunta sa may pinagparkingan ng sasakyan ng kanilang driver. Walang nagawa si Stan kundi ang pagmasdan na lang ito palayo. Mailap talaga sa kanya ang dalaga. Hindi niya tuloy alam kung paano niya ito mapapa-amo. Magpaganoon pa man ay hindi pa rin siya tumigil na kulitin at paamuhin ito.. Dahil sa desperado na ay may naisip siyang paraan.
May isang kaibigan ng kanyang papa na nagtatrabaho sa school bilang Administrator. Siya ang naisip niya para masolo niya ng matagal si Icy at masabi na niya ang nararamdaman dito. Nahiya man siya sa kaibigan ng Papa niya ngunit kailangan niyang gawin.
Kinausap niya ito na ipapatawag siya sa kanyang opisina at kapag nandon na si Icy ay siya ang kaka-usap dito. Ginawa nila ang plano habang nasa kalagitnaan ng lunch time.
"Sino si Isabel Ledesma sa inyo?" tanong ng isang estudyante sa mga kapwa estudyante niya na nasa canteen ng mga oras na iyon.
Dahil sa may nakakakilala kay Icy ay pinagtuunan siya ng tingin.
"Ako 'yun bakit?" tanong niya habang pinagmamasdan siya ng mga nandun.
"Pinapatawag ka ng Administrator sa kanyang opisina," sagot ng na-utusan na estudyante.
"Bakit daw?"
"Hindi ko alam eh basta ang sabi lang tawagin daw kita."
"Sige susunod na ako," wika naman ni Icy. Binitbit niya ang bag at naguguluhang umalis patungo sa opisinan ng Admin.
Kumatok muna siya bago pumasok.
"Pinapatawag daw po ninyo ako sir?" tanong niya.
"Maupo ka iha."
Malugod naman siyang sumunod.
"Ano po bang nagawa ko sir?"
"Wala naman. May itatanong lang sana ako sa 'yo."
"Ano po sir?"
"Kilala mo ba si Stanley Lobregat?" tanong niya dito.
"Opo sir, bakit po?"
"Ano ba ang pagkakakilala mo sa kanya?"
"Naku sir, mayabang, kapal, ang laki ng bilib sa sarili, di matino, at higit sa lahat sir pineperwisyo ako," walang kagatol-gatol na wika niya.
Ang hindi alam ni Icy ay nasa kwarto ding 'yun si Stan na nakikinig sa usapan nila. Nangingiwi at namumula siya nang marinig ang sinagot ni Icy.
"Puro pala masama ang pagkakakilala mo sa kanya. Wala bang maganda?" tanong ulit ng Admin.
"Ah-eh.. Meron naman ho."
"Ano?"
"Mukha naman ho siyang mabait saka gwapo naman po," bulalas niya.
Napangiti sa kanya ang Admin at ganun din si Stan na natahimik lang sa pinagkukublian.
"Bakit niyo pala natanong sir? Ano po ang kinalaman ko sa kanya?"
"Wala naman iha. May mga naririnig lang kasi ako but anyway, salamat sa totoong pagsagot sa mga tanong ko," wika ng Admin, na nangangahulugang pwede na siyang umalis.
Agad naman na tumayo si Icy at nagpaalam dito.
"By the way, Isabel, mabait talaga yung si Stan." Pahabol pa ng Admin na may ngiti sa mukha.
Hindi na niya iyon binigyan ng malisya. Ngumiti na lang siya at lumabas. Pagkalabas na pagkalabas ni Icy ay lumabas naman itong si Stan sa pinagtataguan niya.
"Ano ba yan Stanley, Puro negative ang alam sa 'yo," wika ng Admin.
"Atleast naman tito may maganda," masayang wika nito. "Salamat po sa tulong tito,huh."
"Basta hindi makakalabas ito sa iba,Stanley."
"Opo tito, promise!" wika niya, at nagpaalam na..
Nagtatatakbo siyang lumabas para abutan si Icy. Nang maabutan niya ito sa may hallway ay pasimple siyang tumabi sa paglakad.
"Mayabang at Gwapo," sambit niya.
Napalingon naman si Icy sa kanyang tinuran.
"Ano na naman yan?" tanong niya dito.
"Wala naman. Sino ba ang mayabang at gwapo?" ngising wika niya.
"Aba malay ko!" sagot ni Icy ngunit hindi niya maitago ang pamumula ng kanyang mukha dahil sa maputi ito.
"Mabait naman ako kaya hindi ako 'yon for sure." bulalas ulit niya.
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Wala. Sige.”Paalam niya tsaka nagmamadaling nilagpasan ang dalaga.
Napangiti naman si Icy habang pinagmamasdan ang palayong Stan.
"Minsan talaga mayabang ang lalaking ito pero infairness gwapo at hindi nawawala ang pagkagusto ko sa kanya." ngiting wika niya sa sarili.
Araw araw ay kinukulit kulit siya ni Stan sa eskwela. Minsan ay pinipilit niya itong ibigay ang cellphone number niya ngunit ayaw niyang ibigay. Ngunit minsan ay nagsisisi din siya kung bakit nagpapakipot pa siya dito. Minsan ay nasasanay na din sa pag-aaligid ni Stan sa kanya. Hindi man diretsahang sinasabi ni Stan sa kanya ang nararamdaman nito ngunit alam niya ang ibig sabihin ng pangungulit niya.
"Kailangan kong makakita ng isang bagay na nagpapatunay na totoo talaga na gusto niya ako," wika niya sa kanyang sarili.
"Kamusta naman kayo ng iyong suitor?" tanong ng kanyang kaibigan.
"Suitor?" kunot noong tanong niya.
"Naku, magmaang maangan ba? Siyempre si Stan."
"Hindi naman nanliligaw sa akin 'yun eh."
"Pwede ba tayong mag-usap kahit saglit lang?" tanong ni Stan sa kanya habang nagbabasa siya sa may library.
"Bakit?"
"May sasabihin lang ako saglit."
"Dito? Alam mo namang hindi pwedeng mag-ingay dito saka busy ako."
"Saglit nga lang please?"
"Busy nga ako. Mamaya na lang."
Walang imik-imik na umalis si Stan. Mukhang nagtampo ata sa kanya ngunit ikinibit balikat lang niya. Ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang pagbabasa. Anyare kay Stan?
ITUTULOY