"Ano ang gagawin ko ngayon?" tanong ni Stan kay Danica."Hindi ko rin alam Stan, hindi ko talaga alam." sagot naman ni Danica. Naguguluhan na sila sa kanilang mga nararamdaman. Napabuntong hininga si Stan. Maging siya ay hindi niya alam ang kanyang gagawin. Hindi niya mawari kung dapat ba siyang gumawa ng paraan o hayaan na lang. Matapos ang pagkikita nilang iyun ni Danica ay inihatid na niya ang dalaga sa kanilang bahay. Pinili niyang huwag na lang pumasok pa doon. Mula sa bahay nina Danica ay madadaanan din niya ang bahay nila Ariel. Napagpasyahan niyang sumaglit doon ngunit ng makarating siya ay nagbago ang kanyang isip. Hindi na siya bumaba pa sa kanyang sasakyan. Para na lang siyang isang dayo sa lugar na nakatingin lang sa bahay. Sa pamamagitan nito ay parang naibsan ang lungkot na

