Hindi maipaliwanag ni Stan at Danica ang nararamdaman sa nalaman na magkapatid pala sila. Hanggang ngayon ay hindi parin makapaniwala ang dalawa. "We need to understand how it happened?" ani Stan habang magkaharap-harap silang lahat. Si Flor at Danica, si Stan at si Mrs. Lobregat at nandoon na rin si Mr. Lobregat na tinawag nila. Bumuga muna ng hanngin si Flor para tanggalin ang kaba at takot sa kanyang dibdib. "Hindi kami nun magkaanak ni Danilo dahil may diperensiya ang aking matres. Namasukan ako bilang katulong sa Mama at Papa ninyo at si Danilo naman ay namamasada ng sasakyan. Dahil sa nakikita kong pagkukulang ng oras ng inyong mga magulang sa inyo dahil sa sobrang trabaho na tanging yaya lang ang nag-aalaga sa inyo, kaya napagpasyahan namin ni Danilo na kunin na lamang si Grace p

