Matapos makapaglunch si Stan ay nagpaalam na siya sa mga magulang at kay Danica. Inimbita kasi siya ng mga magulang niya kaya ngayon nandun ang dalaga. "Alis na po ako." paalam niya. "Sige iho. Ingat sa biyahe. Dito ka ba maghahapunan mamaya?" tanong ng ina. "Hindi Ma, may dinner kami ni Icy sa labas.” sagot naman niya. "Okay." Sinundan lang ng tingin ni Danica si Stan na papalabas na ng pinto. Nang makumpirmang nakaalis na si Stan ay nagpaalam na din siya. "Tita, aalis na rin po ako." Aniya. "Huh? Eh bakit hindi mo sinabi ng mas maaga para nakasabay ka na kay Stan?" gulat na tugon ng Ginang. "Nakakahiya naman po kung ihahatid pa niya ako sa bahay papuntang opisina." nakayukong sagot niya. Ayaw kasi niyang malaman ng Ginang na umiiwas siya dito. "Ikaw talagang bata ka. Nahiya ka p

