Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Stan bago ito lumapit sa ama ng kasintahang si Icy. Hindi niya alam kung bakit niya ito pinuntahan sa Hotel. Dahan dahan siyang lumapit dito. "Magandang araw po Tito. Gusto niyo raw po akong makausap sabi ng sekretarya ko?" tanong ni Stan sa ama ni Icy. Hindi niya alam kung ano ang sinadya ng matanda sa kanya at pinuntahan pa siya sa hotel pero parang nahuhulaan na niya. "Oo. Umupo ka iho at saluhan mo ako." alok ng matanda. Malugod naman na umupo si Stan sa kaharap na silya. "Anong gusto mong inumin?" Tanong ulit nito sa kanya. "Pass muna ako tito." tanggi niya. "Kahit isang baso lang. Hindi mo ba ako pagbibigyan?" Giit nito. Para walang masabi ay Napilitan tuloy si Stan na uminom kahit bawal na bawal sana sa kalusugan niya. Ayaw din nama

