KULAS “CAPTAIN! Captain!” tawag ng gumigising sa akin. Napabalikwas naman ako ng bangon at nagtatakang napatingin dito. “You are having a bad dream… again,” anito sa sinserong tono. Sa narinig, naihilamos ko ang aking kamay mula sa aking mukha patungo sa aking buhok. At doon ko naramdamang basang-basa pala ako ng pawis. “Maraming salamat sa paggising sa akin, Nicolo,” ang sabi ko nang ma-realize ko ang nangyari. Si Nicolo ay ang third mate namin ngayon sa byaheng ‘to. Roommate kami sa cabin kaya narito siya. As the captain of the ship, may choice akong pumili ng cabin kung saan ako matutulog. Actually ay may designated na cabin para sa captain pero ibinigay ko iyon sa aming second mate. Kilala ko na kasi ang sarili ko at madalas akong bangungutin kapag nasa karagatan ako. Hindi ko

