KULAS NAKARATING kami sa Liwayway General Hospital in no time. Kinarga ko na lamang si Amarisa papasok sa ospital para mas mabilis kaming makarating kung saan naroon si George. Lakad takbo ang aking ginawa. Agad akong lumapit sa reception area at tinanong ang nurse na nakabantay doon. “Nurse, nasaan po ang room ni Georgina Saavedra?” I asked. Sumulyap ang nurse sa akin tsaka humarap na muli sa computer na nasa harapan nito. “Nasa room 217 po,” maya-maya ay sagot nito. “Thank you…” wika ko at agad na kumaripas ng alis. Lakad takbo ulit akong pumunta sa room number na sinabi ng nurse. Sinubukan kong mag-ingat ng kaunti dahil karga ko si Amarisa. Nang nasa harap na kami ng pinto ni Amarisa ay maingat kong binuksan ang seradura. Pagbukas ko ay nakita kong kompletong naroon ang aking

