KULAS “ANG SAYA natin, Captain, ah?” puna ni Nicolo sa akin. Nag-iimpake ako ngayon dahil dadaong na ang barkong sasakyan namin bukas sa Maynila. Nakaupo ito sa kanyang kama habang nagsi-cellphone. “Hindi naman…” patay malisyang wika ko at bumalik sa pagsipol ng random songs. “Hindi halata…” kantiyaw pa rin ni Nicolo sa akin. Natawa na lamang ako nang mahina. “Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig…” dagdag niya. “Talaga? Based on experience ba ‘yan?” nakangiting tudyo ko sa kanya. Tumawa ito. “Hindi. I have never been in love, Captain. Pero aware ako sa mga mukha ng mga taong in love. And you are wearing that look now…” Sumulyap ako sa kanya. He was talking to me but he was still busy on his phone. Ang dami naman niyang time para punain ako. “Mararanasan mo rin ‘yon one day…” Nagpat

