GEORGE NAGISING ako sa isang puting silid. Noong una ay nagtataka pa ako kung bakit ako naroon pero nang maalala ko ang nangyari ay nakahinga ako nang maluwag. Akala ko kasi kung ano na namang masamang nangyari sa akin kaya nandito na naman ako sa isang silid ng ospital. Pinagmasdan ko ang paligid at doon ko namalayang nasa kaliwang gilid ko pala si Kulas. He was holding my hand at nakatalukbong na nakatulog din ito. A smiled crept from my lips. Hinayaan ko na lang muna itong makatulog dahil alam kong pagod na pagod din ito. Ilang araw na rin kasi itong nadadamay sa pagpupuyat dahil sa pagbabantay kung kailan ako manganganak. Napakanerbyoso rin kasi nito. Kaunting sakit lang na makita niya sa mukha ko o ngumiwi lang ako ay hindi na ito mapakali. Kung excited ako sa panganganak, mas lal

