Naglalakad sa isang mall si Andrea at Luis para ihanap ng bagong mga damit si Kevin ng may isang pamilyar na tindig ang unti-unting rumihistro sa paningin ni Andrea… “Dylan?!” Hindi makapaniwala si Andrea sa nakita niya. Hindi siya maaaring magkamali, si Dylan ang nakikita niya ngayon! At sa tabi nito ay nakakawit ang isa nitong braso ang kamay ng isang babae. Si Althea! Gustong tumulo ng luha ni Andrea ng mapagtanto niya na hindi siya nagkamali ng makita niya si Dylan at dahil kasama nito ang babaeng kakilala rin niya. Hindi yata at nakabalik na pala ito ng Pilipinas pero hindi man lang siya nito hinahanap at sa halip ay mas inuna pa nitong makipagkita sa babaeng haliparot na iyon! “Okay ka lang ba Andrea?” nag-aalalang tano

