Kinabukasan ay hindi umalis si Dylan sa mansyon kaya masaya silang kumain ng umagahan ng araw na iyon. Masaya rin ang mag-asawang Agusto habang kalaro ang kanilang apo. Samantalang si Dylan ay masinsinang kausap ang sumunod na kapatid nito. Hindi niya matiyak kung ano ang pinag-uusapan nila at masyadong mahina ang mga boses ng mga ito kahit na hindi naman kalayuan ang puwesto niya sa mga ito. Alam niya na maaaring sa negosyo lang ang pinag-uusapan ng mga ito pero na-curious pa rin siya na malaman kung ano ang mga pinag-uusapan ng mga ito. Nakatingin pa rin siya kay Dylan ng biglang bumukas ang malaking gate ng mansyon at may isang pulang sedan na sasakyan ang pumasok mula rito. Hindi siya pamilyar sa kotseng dumating, at ganoon na lang gul

