Biglang balikwas ni Andrea ng magising siya mula sa ingay ng kanyang alarm clock. Nagulat pa siya ng makita kung anong oras na! Tinanghali siya ng gising at malamang na kanina pa nakagayak ang amo niya. Kumilos agad siya upang maligo kahit ang totoo ay tamad na tamad pa siyang bumangon at harapin si Dylan. Alam kasi niyang hindi maganda ang ginawa niya kagabi at natural lang na mahiya siya sa binata kapag nakaharap niya ito. At napabuntong hininga na lamang siya kasabay ang mga tanong sa isipan niya na… ano kaya ang nasa isip ni Dylan habang pinapanuod siyang uminom kagabi? Malamang ay pinagtatawanan siya nito dahil sa lakas niyang uminom. Oh di kaya ay nadisappoint ito dahil sa ginawa niya, pero mas mainam nga iyon para hindi na ito masyadong lumapit sa kanya e

