Ilang beses na ring nakapunta si Andrea sa Manila sa tuwing isinasama siya ni Donya Lucy kapag ito ay mamimili ng mga gamit nito o kaya ay may lakad ito kasama ang mga amiga nito. Kaya kahit papaano ay may alam naman siyang lugar sa Manila. Mula Nueva Ecija ay magkatabi lang sila ni Dylan sa back seat. As usual, tahimik na naman ang binata habang nakatingin sa cellphone o kaya naman ay may katawagan paminsan minsan. “Manong Jerry, paki hinto nyo muna sa Taste of Aristocrat ang kotse. Let’s have some meal baka gutom na rin si Andrea.” Sinulyapan siya nito bago muling itinuon ang mga mata nito sa restaurant na sinasabi nito na nais nitong pagkainan ng lunch. Private restaurant ito at kung hindi siya nagkakamali ay maraming mga mamaya

