Chapter 4

1267 Words
        Nabitawan ni Andrea ang hose na hawak-hawak ng bigla ay may isang boses ng lalake ang narinig niya sa kanyang likuran.           “Ay kalabaw!” sambit ni Andrea.           “Let’s talk,” pautos na saad  nito sa kanya.            Kinakabahan man ay  mabilis na sumunod sa Andrea sa lugar na tinungo ng binatang lalake na kausap niya na kung di siya nagkakamali ay ang panganay na anak nila Sir Agusto at Madam Lucy.           “I don’t know what’s your plan of staying here despite of rejecting my parents’ offering to you.” Agad ay pahayag nito sa kanya habang nakahawak sa baywang nito.           “Sir, pasenya na po kung hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa bahay nyo.” Nahihiyang paumanhin niya dito.           “So what’s your plan of staying here?” Tanong ulit nito sa kanya pero bahagyang humina at mahinahon ang pagkakatanong nito sa kanya.           “Sinabi po kasi ni Sir Agusto at ng mama nyo na pag-aaralin nila ako habang ngtratrabaho ako dito sa bahay nyo at tinanggap ko po ang offer nila dahil gusto kong makatapos ng pag-aaral.” Matapat niyang sagot sa binata.           “Okay, at least now I knew your  place in this house.”Saglit itong tumitig sa kanya na para bang binabasa ang nasa isipan niya.” And for your own sake, huwag mo na lang pansinin ang mga kapatid ko kung mayroon ka mang madidinig sa kanila.”           Sa hindi sinasadang pagkakataon ay biglang nagsalubong ang kanilang mga mata. Napaka amo ng mukha ng kanyang kausap at halos mag mukhang kape at gatas ang kanilang mga balat kapag pinagtabi silang dalawa. Halatang mapili ito sa pagkain dahil medyo balingkinitan ang katawan nito na sakto lamang sa matangkad nitong pangangatawan. Mula sa kinakatayuan niya ay kitang-kita niya ang mga mapuputi nitong mga ngipin ng bahagya itong ngumiti sa kanya at rumihistro ang isang dimples sa pisngi nito na lalong ngpaguwapo sa paningin niya.                   Sa isang iglap ay naglaho ang kausap ni Andrea na sa pagkakatanda niya ay Dylan ang pangalan. Mukhang mabait naman ito base sa pakikipag-usap nito sa kanya pero sa tingin niya ay di dapat siya magpakampante dahil wala naman siyang lugar sa bahay na iyon kung tutuusin. At gagawin na lang niya ang lahat upang masuklian ang mga ginagawang kabutihan ng mag-asawang kumupkop sa kanya.                    Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan at naging panatag na rin ang loob ni Andrea sa bahay na itinuring na rin niyang pangalawa niyang tahanan. Lahat ng mga katulong ay nakagaan niya ng loob. Pati ang mag asawang Sir Agusto at Madam Lucy ay tuwang-tuwa rin lalo na at pinagbubuti niya ng kanyang pag-aaral kahit na pingsasabay niya ang pagtratrabaho sa bahay pagkatapos niyang mg aral.                   At maraming taon ang lumipas at sa wakas ay nakatapos na ng pag-aaral sa kolehiyo si Andrea. Base sa sinabi sa kanya ng mag-asawang tumulong sa kanya ay mabuti raw kung ang kukunin niyang kurso ay may kinalaman sa negosyo para madali siyang maipasok ng trabaho at sa mga negosyo ng pamilya Alcantara. At sa kabutihang palad ay nakatapos nga siya ng kolehiyo at kinuha ang kursong Bachelor of Business Administration.                   “Kakaiba pala  ang pakiramdam ate Lanie kapag nakatapos kana ng pag- aaral.” Nakangiting kuwento ni Andrea sa naging parang ate niya sa bahay na iyon sa halos ilang taon.                   “Masaya kami para sa iyo Andrea. Ang sa akin lang sana ay huwag ka sanang magbabago kahit na nakatapos kana ng pag-aaral baka kasi mag-iba na ang tingin mo sa amin dahil hindi na tayo katulad ng dati.” May bahid ng lungkot na saad nito sa kanya.                   “Ate Lanie naman, hindi mangyayari yun nuh.At walang magbabago kahit kalian, ako pa rin to kahit na nakatapos na ako ng pag aaral.” Paniniguro niya rito.                 Halatang masaya ito sa narinig mula sa kanya at lumuwang ang pagkakangiti nito na kanina lang ay may lungkot ang mga mata habang kausap siya.                   Buhat sa tagpong iyon ay nawala ang mga ngiti nila ng makita na paparating ang isang anak na kambal ng kanilang amo na si Jake at kasama na naman nito ang isang halatang mayaman na babae na ang pakilala sa mga magulang nito ay kaniyang nobya.                   “Andrea, prepare us some sandwiches and drinks and bring it in the pool area, okay?” mabilis nitong utos sa kanya.                   “Sige po sir.” Nagkatinginan silang dalawa ni Lanie at walang lingon at mabilis nilang tinungo ang kusina.                   “Grabe siya mag-utos nuh. Wala man lang please o paki usap.” Nakanguso si Lanie habang kausap siya.                   “Huwag kang maingay ate Lanie baka marinig ka ng kambal lagot tayo.”                   “Yaan mo siya. Takot naman siya sa mga Daddy at Mommy nila lalo na sa kuya Dylan niya.Pag ako hindi nakapag pigil dyan sa kambal na yan isusumbong ko ang mga ginagawa ng dalawa na yan pag wala mga magulang nila tingnan ko lang,” may pagbabantang saad ni Lanie.                   “Hayaan na lang natin sila ate Lanie huwag na lang natin silang pakielaman.” Buhat buhat ang isang tray na naglalaman ng dalawang basong juice at sandwiches ay tinungo ni Andrea ang pool area kung saan naroroon ang bunsong anak ng mag asawa at ang nobya nito.                   “Sir, heto na po ang miryenda ninyo, ilalagay ko lang po dito sa table.” Pagpapaalam ni Andrea sa amo niya.                   “Okay sige ilagay mo na lang dyan.” Agad ay tugon nito sa kanya.                   Akma ng tatalikod si Andrea ng walang ano-anu ay tinawag siya ng kasama nitong nobya.                   “Wait. Will you apply this sunblock in my body?” Hawak hawak nito ang isang sunblock cream at inayos ang pakakahiga nito sa upuan na mahaba.                   Wala ng nagawa si Andrea kung hindi ang sundin ang gusto nito. At habang nilalagyan niya ng sunblock cream ang likod nito ay bigla itong napahiyaw;                   “Ouch! Ano ba naman yang kuko mo ha! Nagasgas na ata ang likod ko sa haba ng kuko mo na yan!” Mabilis itong tumayo at itinulak siya ng babae at akmang sasampalin pa siya nito ng dumating si Dylan.                   “Stop what you’re doing!” Matigas ang boses n autos nito sa nobya ng kanyang kapatid.                   “Hey, kuya anong ginagawa mo sa girlfriend ko?” Saklolo nito sa nobya.        “Wala akong ginagawa sa kanya baka siya merong ginawa kay Andrea.” Matalim ang titig ni Dylan sa babae na ngayon ay natigilan at para bang napahiya sa ginawa nito.               Tinulungan siyang makatayo ni Dylan mula sa pagkakabagsak niya sa isang puno malapit sa pool. At hindi agad siya nakapagsalita habang titig na titig pa din siya sa mukha ng binata niyang amo na unti unti ay para bang may kakaibang kaba ang biglang sumulpot sa kanyang puso.               Inalalayan siya nito hanggang sa makarating sila sa malaking sala ng bahay.             “Next time, huwag mong basta susundin ang sinasabi ng babae na’yun.Tingnan mo nasaktan ka tuloy.” May pag aalala ang boses nito sa kanya.              At isang tango lamang ang naisagot ni Andrea sa simambit ng binata sa kanya. Parang isang estranghero ang pakiramdam na naramdam ni Andrea ng mga oras na iyon. Hindi siya sanay na may nagtatanggol sa kanya at ang huling beses na naramdaman niya ito ay noong kinupkop siya ng mga magulang ni Dylan.              At ngayon, hindi lang ligaya ang naramdaman niya ng ipagtanggol siya ni Dylan sa mga taong walang magawa kundi ang pahirapan siya kung hindi kilig na hindi niya alam kung papaano malabanan. Lalo na at alam naman niyang hindi niya dapat maramdamang ang ganoong pakiramdam sa anak ng mga taong tumulong sa kanya.              Matapos magpaalam ito sa kanya ay umalis na ito sa bahay gamit ang isang magarang kotse na pag mamay-ari ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD