After five months… Napagkasunduan ng pamilya Alcantara na pakawalan na si Jake matapos nitong humingi ng tawad sa kanila at nangakong hindi na ito gagawa pa ng ano man hindi maganda sa kanilang pamilya. Pinadala na lamang siya ng mag-asawang Don Agusto sa America para mag-aral at makapag muni-muni. At si Luis...Mayroon siyang balita na nakikipagdate ito sa isa nitong highschool friend. And she hope, maging successful na ang paghahanap nito ng the one, this time... Habang si Althea naman ay patuloy pa rin sa pakikipag flirt sa ibang mga lalake na kilala sa kanilang lugar. Hindi niya alam kung nagkikita pa rin ito at ang kanyang asawa sa ibang mga gatherings. Pero binilinan niya ito ng mahigpit na lumayo sa babaeng iyon kung sakaling lalapit man ito sa ka

