Kabanata 98

1913 Words

Nagwisik si Louisa ng kaunting pabango bago dinambot ang maliit na bodybag sa kama at saka lumabas ng kwarto. Naabutan niya si Ace na nasa salas at bihis na bihis na rin. Ngayon nila pupuntahan iyong kausap nitong supplier ng mga equipment na ilalagay sa Wellness Center. Maaga ang appointment nila dahil may lakad daw 'yong supplier before lunch. Hindi na tuloy sila nakapag-almusal kaya nagbaon na lang si Louisa ng sandwich na pwede nilang kainin sa daan. "Tara na?" Pag-aya niya kay Ace. Humagod ang tingin nito sa kaniya at kumunot ang noo. "Bakit ganyan ang suot mo?" Nagtatakang sinipat naman ni Louisa ang sarili. Nakasuot siya ng croptop na itim, shorts na maong at sandals na puti. Sakto naman sa panahon dahil mainit. Bumalik ang tingin niya kay Ace. "Anong problema sa suot ko?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD