NAGISING si Louisa sa sunod-sunod na katok. Kukusot-kusot sa mga mata na bumangon siya at tiningnan ang orasan na nakapatong sa bedside table. Nakita niyang pasado alas dyes na pala ng gabi. Napahaba ang tulog niya na dapat ay idlip lang. Patamad na bumaba na siya sa kama at tinungo ang pinto. Binuksan niya iyon at natigilan nang makita kung sino ang bumungad sa kaniya. "Lovely?" Nagtatakang kumurap si Louisa ng dalawang beses. "Anong ginagawa mo rito? At pa'no nalaman na nandito ako?" "It's about Andrei and Ace," seryosong tugon nito. Kumabog ang dibdib ni Louisa. "B-Bakit? May nangyari ba sa kanila?" "Just come with me. Now." Sunod-sunod siyang tumango. "Sige, sandali. Magpapalit lang ako ng damit." Nagmamadaling bumalik si Louisa sa loob ng silid. Hinablot at isinuot niya a

