“Kevin.” Bati ni Louisa sa binata. “Did I heard it right? You’re looking for a job?” Nagkatingin sila ni Angge bago niya ulit binalingan ang binata at marahang tumango. “Pansamantalang trabaho lang sana…” Hindi pa naman kasi siya sigurado kung mapapapayag ni Andrei at Sir Hans si Madam. Kaya ayaw na muna maghanap ng permanenteng mapapasukan. “Bakit? Hindi ba, nagtatrabaho ka sa Perez Residence?” Nagtatakang tanong nito. “Ah, ano… kasi nagkaroon ng kaunting problema kaya umalis muna ako sa kanila,” alanganing tugon niya. Ilang sandaling tinitigan pa siya nito bago tumango-tango. “Sige, magkita tayo mamayang uwian. May alam akong nangangailangan ng part timer.” Namilog ang mga mata ni Louisa. “Talaga?! Sige, sige! Saan tayo magkikita?” “Sa gymnasium na lang.” Sunod-sunod na tuman

