PUMARADA ang kotse ni Ace sa parking lot ng university. Nauna na itong bumaba habang kinakalas ni Louisa ang seat belt niya. Nang maalis ‘yon, hinawakan niya ang doorknob. Subalit natigilan rin Louisa nang biglang bumukas ang pinto. Kunot ang noong tiningala niya si Ace. “Baba na.” Anitong hindi nakatingin sa ibang direksyon. Aba, anong hangin ang umihip at pinagbuksan siya nito ng pinto. “Salamat,” tipid na sagot na lang ni Louisa bago bumaba ng sasakyan. At dahil hindi nga siya sanay magsuot ng heels, pagtapak pa lang ng paa ni Louisa sa lupa, bahagya siyang nawalan ng balanse at kamuntikang mabuwal. Mabilis na kumilos si Ace at iniyakap ang isang braso sa beywang niya. Wala sa sariling napakapit naman si Louisa sa balikat nito, suporta sa bigat niya. “Are you okay?” Mahinang

