DALAWANG beses na napakurap si Louisa. Tama ba ang narinig niyang sinabi nito? “May gusto ka sa akin?” Naninigurong tanong niya. “I do…” tugon nitong kinuha ang kaniyang kamay at hinawakan. “B-Bakit? Anong nagustuhan mo sa akin? Pa’no at kailan?” Hindi pa rin makapaniwalang tanong niya. “I always felt the need to be with you when you’re not around. Hindi ko kailangang mag-pretend at isipin ang mga sasabihin ko kapag ikaw ang kasama ko dahil alam kong tanggap mo kung ano ako. And I find peace and contentment when I’m with you…” Nakatitig lang si Louisa kay Andrei. Hindi ma-proseso ng utak ang mga sinabi ng binata sa kaniya. Nitong mga nakaraang araw lang, iniisip niya kung ano ba talaga ang tingin ni Andrei sa kaniya. Ngayong sinabi na nito. Hindi naman niya malaman kung paano s

