Venus Sebastian “Marry her!” Naalimpungatan ako nang marinig ang isang galit na boses. Kilala ko kung sino ang may-ari ng boses na iyon kahit nakapikit pa ako. “Don Ramon?” Gusto ko nang idilat ang mga mata ko kahit hirap pa dahil sa pagtataka sa narinig. Iniisip ko tuloy kung nananaginip ako… pero na-realize ko na gising na ang diwa ko. “I will not marry her, Dad!” “Sir Ace?!” Awtomatikong napadilat ang mga mata ko sa gulat nang marinig ang dumadagundong na boses ni Sir Ace. Mas malakas pa sa boses ni Don Ramon ‘yon. Pagbukas ng talukap ng mata ko ay agad akong nagtaka na iba ang itsura ng kwarto ko. Agad akong napabalikwas ng bangon. Pero Diyos ko! Mabuti na lang at nakahawak ako sa kumot na agad kong tinakip sa dibdib ko na muntik ng lumitaw. Wala akong suot na pang-itaas. Hi

