Venus Sebastian Ngumisi si Ace, ‘yung tipong hindi man lang tinablan sa pagtataray ko. “Well, if you wanna resign from the position… Hindi kita pipigilan, Miss Sebastian. Just make sure that you don’t have pending jobs na maiiwan. This is your first job… to avoid any future complications with prospective employers, you need to ensure a seamless work transition here in the company.” Sambit ni Ace na derechong nakatingin sa mata ko. Ms. Sebastian? talagang nagpapakapormal din ang loko, huh? Biglang mas nanakit ang dibdib ko sa kinilos nito. Halatang walang alam sa pinagdaanan ko sa loob ng ilang taon para umasta ng gano’n. Parang wala lang talaga sa kanya ang nangyari sa amin. Ni sorry sa mga huling sinabi nito na masasakit sa akin ay wala. Sabagay abot hanggang langit ang galit nito sa

