Venus Sebastian "Venus, apo!" Napasinghap ako sabay hawak sa dibdib ni Sir Ace at naitulak ang lalaki. Bigla ko tuloy nakita ang pagkagulat sa mukha ni Ace na kanina ay parang pahalik na sa lips ko dahil sa sobrang lapit namin. "Venus!" Muling katok ni Lola at tuluyan na akong bumalik sa wisyo. Bigla ay umatras ako mula kay Ace at agad akong naghabol ng hininga kahit hindi naman naglapat ang mga labi namin. Bumigat na kasi ang paghinga ko kanina sa tindi ng kaba na naramdaman, hindi pa man ay parang nauubusan na ako ng hangin. Nakita kong biglang nag-iba ang tingin sa akin ni Ace. Mula sa pagiging malalamlam ng mata nito ay bigla naman na tumalim ang tingin nito sa akin. Dahil sa kaba na naramdaman ay bigla akong umiwas sa kanya at nagpunta ng mabilis sa pinto at binuksan iyon.

