Ace Bryan Ibañez “No way… she’s not dead.” I can’t believe what I heard from Venus na napasabunot pa ako sa buhok ko. “Patay na siya, Ace! Iniwan na ako ni Lola.” Muling sambit ni Venus nang nakita nitong nabigla ako. "Namatay siya nang panahon na kailangan ko siya! Kung ako na lang sana ang pina-alis mo ay hindi ‘yon mangyayari. Bakit pati si Lola? Bakit?” Ilang beses na ba niya inulit na sabihin sa akin na kung hindi ko pinaalis si Lola Lisa ay hindi namatay ang matanda? Pero hindi kailangan na ulit-ulitin ni Venus. Unang beses pa lang na narinig ko ang sinabi niya ay parang may sumaksak na naman sa puso ko. History repeats itself. "Kung hindi mo pinalayas si Melody, hindi siya mamatay! Killer ka!" Bigla ay bumalik sa alaala ko ang sinabi rin sa akin ng magulang ng dati kong as

