Venus Sebastian “Ma’am Venus, halika na at kailangan na nating magpunta sa ospital.” Napakislot ako sa sabi ni Kuya Anton. Ilang segundo na niya pala hawak ang pinto ng backseat habang pinagbubuksan ako ng pinto. Hindi ko na tuloy napansin. Tulala kasi ako. Parang ayaw tanggapin ng utak ko ang mga pangyayari sa akin. “Kahit hindi mo na ako tawagin na ‘Ma’am’… Tutal naman ay aalis din ako ng mansion.” Malungkot na sabi ko. Natigilan naman si Kuya Anton. Sa itsura nito ngayon ay halata na awang -awa siya sa akin. Paano ba naman siya hindi maawa? ‘Yung mata ko ay hindi na mawala wala ang pamamaga. Nasobrahan ako ng kakaiyak. Matapos magpakawala ng malalim na buntong hininga ay pumasok na ako sa loob ng sasakyan. Ilang sandali pa ay pumasok na rin si Kuya Anton sa loob. Ako ay nakatula

