Venus Sebastian “A-ahm, sir… Pwede ko na bang kunin ang wallet ko?” Naiilang na tanong ko matapos tingnan ang babaeng kasama nito na nanunukso. Siguro kapatid niya ang babae dahil may resemblance sila. Doon tila natauhan ang lalaki at binitawan na ang wallet ko na agad kong kinuha. “I-I’m sorry.” Sambit nito. Titig na titig pa rin sa akin ang lalaki. Jino ang pangalan sa pagkakarinig ko. Tipid akong ngumiti. “O-okay lang po. Pasensya na rin po at naistorbo kayo.” Hindi ko na alam kung paano magre-react pa. Nakapag thank you na naman ako. Mukha rin itong mayaman kaya hindi ko na siguro kailangan bigyan ng reward. “Thank you po uli, Sir… Kailangan ko na pong umalis.” Yumukod pa ako ng bahagya at ngumiti doon sa Jino at kasama nito para magpaalam na. Para kasing natameme na sila p

