Chapter 43

2608 Words

Venus Sebastian Bumalik ako ng table ko na halos manginig sa galit. Obvious na obvious ang panggigipit ng ex-husband ko. Pakiramdam ko ay nagre-revenge ito sa akin ngayon sa akalang panloloko ko. Akala ko ba ay ayaw na niya akong makita habang-buhay? Ngayon na narito ako ay ayaw niya akong mag-resign? “Venus, okay ka lang?” Bigla ay nasa tabi ko na si MJ nang hindi ko tuloy namalayan. Pilit akong ngumiti sa katrabaho ko. “O-oo naman.” Agad na akong tumingin sa laptop na hindi ko pa pala nabubuksan dahil sa agad na pagtawag sa akin kanina ni Ma’am Sofia. Binuksan ko iyon at nagkunwaring may mga kinukuhang files pa sa incoming tray ko. Ayokong makipag-tsismisan sa oras ng trabaho. Bagay na madalas gawin ng mga ka-opisina ko. Na kunwaring lalapit sa akin pero may itatanong nang pasimple

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD