Chase's POV Kasalukuyan akong nakatingala sa bahay ng mga bago kong magulang. Nakakalula pala ang bahay nila. Ilang linggo rin ang lumipas bago ako tuluyang naampon ng mga magulang ko. Matagal din kasi ang proseso. "Ang laki ng bahay nila, 'di ba?" tanong sa 'kin ni Tetsu na nasa tabi ko. Kararating ko pa lang sa bahay nina mommy at daddy. Kasama ko si Tetsu kasi nag-request daw si Mommy Clara kay Tita Sara na hihiramin daw nila si Tetsu nang isang linggo para may kasama ako rito at madali akong makapag-adjust. "Kaya nga. Baka maligaw ako rito," sabi ko naman. Biglang lumitaw sina mama at papa sa tabi namin. "Oh, ba't nandito pa kayo? Pumasok na kaya kayong dalawa. Lalamigin kayo rito," sabi ni mama. Hapon na rin kasi kami umalis sa ampunan. Nakapagpaalam na rin ako kay Ate Lani at s

