Chase's POV Dahil medyo late na kaming natapos mag-dinner ay hinatid ko na si Tetsu sa bahay nila. "Thanks nga pala sa libre," sabi niya sa 'kin nang nasa tapat na kami ng bahay nila. "No problem," sagot ko. "Gusto mo bang tumuloy?" tanong niya sa 'kin. "'Di na siguro. Tsaka gabi na. Pakikumusta na lang ako kay Tita Sara," sabi ko naman. "Sige. Thanks ulit. Good night," sabi ni Tetsu. "Bye. Good night," sagot ko naman. Hinatid ko siya ng tingin hanggang sa nakapasok na siya sa gate ng bahay nila bago ako pumasok sa kotse. Most of the time ay nagda-drive ako papunta ng school. Minsan naman ay may naghahatid sa 'kin. Minsan naman ay nilalakad na lang namin ni Tetsu. Medyo malapit lang din naman kasi ang bahay nina Tetsu sa village namin. Nasa bandang unahan ng village namin ang bahay

