Tetsu's POV November na at simula na ng second term namin sa Emerald. Sinalubong ng malakas na ulan ang unang araw ng pasukan. Nakalimutan ko pa ang payong ko sa bahay. Chase texted me na 'wag ko na raw siyang susunduin dahil susunduin daw niya si Elysa. Hindi ko na siya pinansin pa pagkatapos ng nangyari sa 'min. Kahit nagtitext siya o tumatawag ay hindi ko sinasagot. Naging busy rin ako sa trabaho kaya naman kahit na papaano ay nawala siya panandalian sa isip ko. Ngayong pasukan na ay muli ko na naman siyang kahaharapin. Pagkababa ko ng jeep ay dali-dali akong tumakbo papasok ng gate. Malakas pa rin kasi ang buhos ng ulan. Dali-dali akong sumilong sa unang hallway pagkatapos ng parking lot. Binunot ko ang panyo ko para magpunas ng sarili ko pero biglang may tumawag sa 'kin. "Tetsu,

