Nang mapalayas ni Zoren ang dalawa ni Ezekiel kasama si Althea, ay biglang napadaan si Cedric dala-dala ang kaniyang sasakyan papauwi sa kaniyang bahay. Agad siyang tumigil nang mapansin niya si Althea, at agad siyang tumakbo patungo sa kanila. Nang biglang napatingin si Ezekiel, “Bitawan mo mom ko,” pahayag naman nito Dahan-dahang inalis ni Cedric ang kaniyang pag-kakahawak kay Althea, “Sorry, ano bang nangyari?” tanong naman ni Cedric. Dahan-dahan din namang napatingin si Althea kay Cedric at nang makita siya ay biglang sumama ang tingin nito. “Anong ginagawa mo dito?” tanong naman ni Althea. “Anong ginawa sa inyo ni Zoren? Pinalayas ba kayo? Kung wala kayong matitigilan at this time ng anak ko, sa akin muna kayo tumigil,” saad naman ni Cedric kay Althea Nang biglang umimik si E

