Nang matapos ang meeting nina Drix at nang mag-labasan ang mga kasamahan nito at naiwan si Gabriella na nag-present ay napatingin ito dito. “Ms. Gabriella, thank you for presenting. Mukhang nagandahan sila sa presentation mo,” pahayag naman ni Drix dito, Napatingin naman si Gabriella kay Drix, “Ah—thank you din po sir,” tugon naman ni Gabriella kay Drix habang nahihiya pa ito. At dahil hindi na alam ni Drix kung ano ang sasabihin nito dito ay nauna na itong lumabas. Hindi naman alam ni Drix ay habol ang tingin sa kaniya ni Gabriella at napangiti nalang dahil hindi niya akalain na pupurihin siya nito dahil sa kaniyang presentation. -- Habang nasa opisina si Sabrina ay pumasok sa isip niya si Zoren. Ngunit biglang may kumatok sa kaniyang pintuan, “Madam, may nag-hahanap po sa inyo,

