Nang dahil sa hindi na napigilan ni Mrs. Montefalco ang galit niya sa kaniyang asawa noon ay nasampal niya ito ng malakas. Nang biglang sumigaw si Mrs. Celeste, “How dare you—” putol na pag-kakasabi niya nang biglang hinawakan ni George ang kamay nito, “Wag na wag niyong gagawin yan sa kaniya!” sigaw naman ni George dito, Nang biglang hinila paatras ni Sabrina ang kaniyang ina, “Mom, hayaan mo na sila—” pahayag naman nito. Nagulat naman ang ama nito nang makita siya, “A-anak? Sabrina? B-bakit?—” putol na pag-kakasabi niya habang nag-tataka ang ama nito, “Wag ka ng mag-taka, nang dahil sa ginawa mo sa ating pamilya, ipinalabas mo pa talaga kay Sabrina na wala na ako?! Siguro kung hindi ko pinilit ang sarili ko na hanapin ang anak ko, hindi ko siya ngayon makikita at makikilala. Ngayon

