Habang nasa kwarto si Drix at hinihintay ito ni Sabrina ay naisipang tawagan ni Sabrina si Hendrix. Hindi naman katagalan ay sumagot narin ito, “Hello? Sabrina?” tugon naman kaagad ni Hendrix, “Hi, kamusta ka na?” tanong naman kaagad ni Sabrina dito, “Ah—I’m good, I’m good. Kayo diyan? Si Drix? He’s doing well ba?” tanong naman ni Hendrix pabalik kay Sabrina. “Yes, owner na siya ng company na ibinigay ni Mr. Zi sa aming dalawa. Naisipan ko kasi na bukod sa ako naman ang nag-aasikaso ng company ni mom na ibinigay sa akin, mas mabuti na siguro kung sa kaniya naman ang isa, lalo na ngayon na graduating na siya,” saad naman ni Sabrina kay Hendrix. “So kamusta naman ang pagiging owner niya? Hindi naman siya nabigla sa naging desisyon niyong dalawa?” tanong naman muli ni Hendrix, Napailing

