Nang marinig ni Zoren iyon sa kaniyang katrabaho ay bigla siyang napupo at napaisip, “Paano naman nangyari yun? Wala namang ibang humahawak—” putol na pag-kakasabi ni Zoren sa kaniyang sarili nang bigla niyang naisip si Althea lalong-lalo na ang anak niyang si Ezekiel. At nang mapansin ni Zoren si Ezekiel na masayang nag-lalakad sa hallway ay agad itong tumayo sa kaniyang kinauupuan at hinabol ito. Agad niyang hinila si Ezekiel at iniharap sa kaniya, “Ikaw ang nag-kalat ng tungkol sa akin kaya lahat sila nag-titinginan sa akin no? kayo ng nanay mo,” pahayag ni Zoren kay Ezekiel habang masama ang tingin nito sa kaniya, nang agad siyang tinulak nito, “Anong sinasabi mo diyan?! Nananahimik ako, at kung ano man ang kumalat ngayon labas kami ni mom diyan. Wag mo ngang sisihin sa amin ang k

