“Ano ba?! Hindi niyo baa ko papapasukin?!” sigaw muli ni Althea sa mga gwardya na humaharang sa kaniya. At habang nasa kalagitnaan ng pang-gugulo ito ay biglang lumabas si Hendrix at nakita ang ginagawa ni Althea. Agad itong tumungo dito at hinarap, “Anong kailangan mo? Bakit nandidito ka? Hindi ka na nahiya sa mga tao,” saad naman ni Hendrix kay Althea. Tumigil naman si Althea at ngumisi nang makita si Hendrix, “Hindi ba ikaw ang asawa ni Sabrina? Bakit hindi mo pag-sabihan ‘yang asawa mo na tigil-tigilan niyang landiin ang asawa ko,” pahayag naman ni Althea dito. Tumingin si Hendrix sa mga nasa paligid niya at dahil sa inis ay agad niyang hinawakan ang braso nito at hinila sa may tabihan, “Alam mo, tigil-tigilan mo si Sabrina dahil wala siyang ginagawa sa asawa mo at kung may kaila

