Nang makuha ni Mr. Zi ang recorder kung saan nandoon ang pag-sasalita ni Sonia, ay agad niya itong binuhay, laking gulat niya sa sinabi nito na tila halos hindi siya makapag-salita at nauutal dahil sa galit. Kaya’t hindi niya napigilang ibagsak lahat ng kaniyang mga papel na nasa lamesa. “Bakit niyo ginawa sa akin ito?!!!!” sigaw naman ni Mr. Zi habang nasa sa harapan pa niya ang kaniyang driver. Napatungo siya at naluha dahil sa galit at sakit na kaniyang naramdaman. “Boy, sa akin na muna itong recorder. Sabihin mo nalang sa akin kung ano pa ang mga sasabihin niya. For sure hindi lang ito ang itinatago niya sa akin kung hindi may iba, sisiguraduhin nating hindi sila mag-tatagal sa buhay ko ng ganito lalo na’t nalaman kong hindi ko pala anak si Zoren,” pahayag naman ni Mr. Zi sa kaniyan

